This is the original draft of Sen. Francis Escudero’s speech delivered at Club Filipino last Wednesday morning. A copy was sent to The Professional Heckler by a reliable source who requested anonymity.
“Maraming salamat po sa lahat ng taong nandito lalung-lalo sa mga kababayan kong Bicolano sa walang pag-aatubiling pagtungo sa gusaling nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila, na mas kilala rin sa pangalang Club Filipino.
Nais ko pong ipabatid sa inyo na ako ay nagpaalam na at nag-resign na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC, ang partidong itinatag ni Ginoong Eduardo ‘Danding’ Cojuangco ang ninong namin sa kasal ng aking asawang si Cristine, at founder ng NPC na aking kinaaniban sa nakalipas na labing-isang taon ng aking pagiging pulitiko sa Mataas na Kapulungan man ng Kongreso na kung tawagin natin ay Senado o sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon na walang kahihiyang nanguna sa tangka ngunit bigong pagpapatalsik sa noo’y Chief Justice na si Hilario Davide katulong ang noo’y kongresista at paboritong pamangkin ni Ginoong Cojuangco na ngayo’y kalihim ng tanggulang pambansa na nag-aambisyon ding maging pangulo ng Pilipinas na si Gilbert “Gibo” Teodoro.
Sinuman pong nagpa-planong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan, NPC, LP NP, Lakas, Kampi, LAMMPP, PDP-Laban, Magdiwang, Magdalo, Bayan Muna, Akbayan, Migrante, Anakpawis, Sanlakas, Lapiang Manggagawa, Alyansa ng mga Sabungero, Ang Ladlad, 1-UTAK, SMILE, SAMASA, ISA, STAND-UP, KAISA, ALYANSA, (FYI: Mga political parties ‘yan sa UP), Sigue-Sigue, OXO, Sputnik, Ativan Gang, o ano pa man.
Ang dapat na partidong kinabibilangan ng sinumang nagpa-planong tumakbo, dapat po Pilipinas. At lahat ng mga ka-partido niya dapat lahat din Pilipino. Bata man o matanda, babae o lalake, mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, dilaw man o pula ang kulay, binoto ka man o hindi, maka-Dos man o Maka-Siyete, Globe man o Smart o Sun kapag nagtitipid, tuli man o supot, bakla man o lesbiyana, out man o discreet, bisexual man o straight-tripper, top man o bottom, lights off o lights on, dapat ituring mo ng pantay o pareho dahil kung hindi, baka magkaroon ng kaguluhan sa Pilipinas na mas lalong magpapahirap sa milyun-milyon nating kababayan at ‘yun ang hinding-hindi ko kayang tanggapin bilang lingkod-bayan na nagnanais ng bagong pagbabago sa ating bansa na matatagpuan sa Timog Silangang Asya at nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas magkaroon ng lindol na hindi naman kayang ipredict kahit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na dating pinamumunuan ng namayapang si Raymundo Punongbayan.
Nagbitiw po ako dahil sa tatlong kadahilanan na iisa-isahin ko kung inyong mamarapatin ngunit kung hindi naman ay iisa-isahin ko pa rin dahil sayang naman ang pagkakataong tayo ay nagkakatipun-tipon sa gusaling ito na nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila. Ang tatlo pong dahilan ng aking pagbibitiw ay ang sumusunod. Una, hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; pangalawa, hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at pangatlo, lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar.
Ngunit ito po ang dapat na unawain n’yo: hindi po salapi o pondo ang dahilan ng pagbibitiw ko sa partido at lalong hindi dahil sa napabalitang alitan namin ni Ginoong Eduardo Cojuangco bagamat gusto kong bigyang diin na hindi ako heredero katulad ni Gilbert Teodoro; hindi ako haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo pong hindi ako bilyonaryo katulad ni Manny Villar na malayang makakagastos sa halalang matagal ko na ring pinapagplanuhan subalit hindi ko pa lubusang napagpapasyahan kaya’t ito po ang gusto kong iparating sa lahat: hindi po kakulangan sa pera ang dahilan ng aking pag-atras datapwat kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay gusto ko ring maranasan ang maging heredero katulad ni Gilbert Teodoro; maging haciendero katulad ni Noynoy Aquino, at lalo na po ang maging bilyonaryo katulad ni Manny Villar.
Hayaan po ninyong pag-isipan ko ang aking mga susunod na hakbang dahil kailangang kunsultahin ko, hindi lamang ang aking pamilya o kaibigan, kundi maging kayong lahat na kapartido ko na ngayon lalo pa’t ako’y malaya nang makapagpapasya kung ano ang nararapat at makakabuti sa lahat ng tao sa Pilipinas na ninanais ko ring umunlad ang buhay at umangat ang estado sa lipunan katulad ni Gilbert Teodoro na isang heredero; ni Noynoy Aquino na isang haciendero at, lalo na po ni Manny Villar na isang bilyonaryo.
Sa huli, isa lamang po ang hinihiling ko sa lahat: huwag ninyong paniwalaan ang walang basehang alegasyon na salat ako sa pondo kaya ako nagpasyang iwan ang partidong hindi maiwan-iwan ngayon ni Loren Legarda dahil sa pangambang baka ang aking pagbibitiw ay maging mitsa ng katapusan ng kanyang karera sa pulitika. Mali po ‘yon. Hindi po salapi o kontribusyon mula sa mayayamang negosyante ang nagbunsod sa aking pagbibitiw sa NPC bagamat aaminin kong hindi po ako heredero, hindi po ako haciendero at lalo pong hindi ako bilyonaryo.
Maraming salamat po sa inyong lahat at mabuhay ang sambayanang Pilipino lalo na ang maliliit na taong tapat na naglilingkod sa mga heredero, haciendero at bilyonaryo.”
[Please turn to page 2 for continuation of speech...]
_________
“A good retreat is better than a bad stand.”
~Irish Saying


Wow!!! 12 lang yata ang tuldok. Kung naka video yan, baka 5 beses lang kumurap si Chiz.
Nice one!!!
ang funny..haha. i can imagine chiz on my head..
you know,it’s true. i have always wondered how chiz can talk for such a long time and doesn’t blink.
bwahahahaha!
tl;dr
Haha. I was waiting for someone to say this!
wow una ko.. the man is a certified lunatic, thanks God he quits..go back to Sorsogon man..
I agreee mike. Chiz quits from NPC but not for Presidency! Nyahaha
redundant talaga to magsalita si Chiz.
Redundant! ano ba ibig sabihin ng salitang ito… Ang pahayag ng paulit ulit? Kung kailangan maintindihan ng mga tao na syang nangangailangn ok lang na paulit ulit upang maparating ang adhikain at pagbabago sa bayan…
Si Chiz lang ay may dangal sa lahat ng kandidato. Mabuhay ka Chiz
mister heckler, i must congratulate you even just for
the effort alone of composing this long and winding
speech, very tatak chiz talaga…..
Kakawindang ang speech ni Chiz. LOL!!!
napagod ako, madalang ang period e hehe
Chiz – master of empty rhetoric and a walking thesaurus
Hahhaha… Sa “atitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila” pa lang, naligaw na ako sa mga sinabi ni Chiz….
First paragraph pa lang ang sakit na sa ulo. Hindi ko natapos tuloy basahin. Haha
Mahirap pag mahina ka sa tagalog…talagang sasakit ang ulo! he he he
hahaha! so funny! i shared a link na to my fb account! galing mo talaga! nakakapagod na pakinggan 2ng c chiz….kala mo nagbabalagtasan lagi! dati cute cia pero ngaun oa na…sobrang cheezy!
Sana OA lagi si Chiz… On Action! Galing mo Chiz… iboboto kita…
Hahahaha. Wasak na naman si Chiz!!! Hanep! Ang galing Mr. Heckler! |..|
good one. i really hope though, that he will not run for presidency on 2010.
antipatiko talaga ang dating ni escudero, mayabang pa!
Okay walang kayabang-yabang talaga si keso, very very hambog!
Gerry dejesu ang ganda ng pangalan…ginamit ang pangalan ng panginoon para mangutya!!! What the heck!
Nyahaha… parang gumulo lang lalo ang magulo ko ng mundo… NICE ONE IDOL HECKLER… mwah!
Winner!
Walaaaaaaaaaaaa!
Si Cheeezzzzz lamang ang nagbubukod tanging nilalang na sumalingat sa salawikaing “Sa pagkahaba haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy”.
Pag nag-salita siya, ang kalalabasan ay:
“Sa pagkahaba haba man ng prusisyon….. sa pagkahaba haba pa rin… pa rin… pa rin… pa rin… pa rin…”
nice post mr ph..
(hindi ko talaga maiwasang ngumisi sa mr ph.. ph, na pang babae.. na nilalagay sa.. basta dun.)
hinaantay kong may sigaw na “colt 45″ sa dulo ng speech.. nakalimutan ko, hindi pala siya si bamboo..
have you heard of the villar vs freddie roach issue?
i dub villar as mr announcement. hindi lang nama siya, dahil pag ginagawa niya ang trabaho, pinapaannounce niya yung nationwide, via media. “ANNOUNCEMENT, GINAWA KO ANG TRABAHO KO BILANG SENADOR!!!”
anyway, back to villar vs coach. basically, when pacman was still in baguio, villar went there and talked to pacman, which caused delay on team pacquiao’s schedule. roach got “pissed-off” by villar’s visit and even threatened to quit. nabadtrip talaga dahil nga kailangan nilang makaalis agad para hindi abutan ni ramil.. yung bagyo ha.
sabi sa isang pahayagan, isa lamang daw “pagbisita sa isang kaibigan” ang pakay ni villar.
wala na ba siyang ibang damit? yung orange na polo shirt suot na niya sa mga commercials niya sa tv, suot din niya yun sa wowowee.. hanggang baguio ba naman e suot pa rin niya yun?? alam naman ng lahat na isa yun sa mga gustong i-establish ni villar bilang trademark. orange na poloshirt na pinahiran ng putik at lupa.
pamomolitika ba o isang pagbisita sa kaibigan ang naganap? ewan natin..
basta muka siyang ponkan sa suot niya..
Okay. back to Chiz please.
binasa mo pala yung mahabang comment ko para lang sabihing back to chiz.
hehehe!
effort ah.
hehehe!
back to chiz nga pala, same comment gaya sa iba..
chizeeng chizee..
kuha mo.. ahm.. good job ph!
tama na ba comment ko?
Lack of funds at bumababang popularity rating, that’s it pancit! dami pa palabok nitong si chiz..in fairness to PH ha, sobrang chizee nga ‘to. hehehe
15 million of peasant will vote for Chiz! sobra sobra na ang rating!
)
Parang nawala ako sa wisyo ah…nagdugo ang ilong ko…at para man lang walang katuldok-tuldok…Hehe!
So very Chiz. Good one!
nice!
“carry on the fight. stand-up for your rights.’
LoL! At may alam si Chiz sa top at bottom ha? Bwahahahahaha!
Kuhang-kuha mo ang style ni Chiz – punong-puno ng mga kataga, paligoyligoy, nakakaubos ng hininga, konti lang naman ang mensahe o di kaya kung minsan talagang walang mensahe.
Ang kulang na lang e ung merong maririnig na animo laging nag-o orate! Dagdagan mo kaya ng audio ang piece mong ito?
Ngehehe!
hiningal ako sa kababasa….hehehe.
hiningal ako dun ah. hehehe. nice one!
sabi nga ni Pat Mangubat, ang ginawa daw ni Chiz eh isang
TACTICAL RETREAT
http://siyetehan.blogspot.com/2009/10/who-moved-my-chiz.html
dapat may waiver ito PH! “The author of this blog is not, whatsoever, whatever liable to any damages it may cause to the lungs of the reader.” Naubusan ako ng hininga! demmet. Papabasa ko to sa mga tao sa Nov 1 while nasa sementeryo. Para pag may lalagutan ng hininga, deretso libing na. “Killer speech of chiz!” hahaha… Lupet mo talaga PH! The beast! hehehe..
Tinanong sya sa TV PATROL ng YES OR NO. Ang sagot nya, hindi ko naintindihan… (Hnaggang ngayon ay hinihimay ko pa kung ano nga. Sakit ng ulo ko kay chiz!)
Mr. H, paano naman kaya nag-propose si Cheezee sa girlfriend niya (na asawa na niya ngayon)? Baka sa haba ng proposal ni Cheezee, umoo na lang ung babae para lang matigil na ung litanya, sakit sa ulo pakinggan ang boses ng kumag na yun!
bwahahahahahahahahahahaha.
I have never bothered to read or listen to Chiz. Now i have an idea how chiz-ee he talks.
naubusan ako ng hininga hahaahaha
VERBAL DIARRHEA AT ITS FINEST!
glib,empty,evil–gee!
nabasa ni sen LL and erap yung speech ..hinanap sa likod ng monitor … sabi mo kasi “Please turn to page 2 for continuation of speech ..”
Ok ung pasok mo Bradfeet, haha. I miss LL nowadays.
Miss ko na rin si LL. Feel ko pati si Chiwee at Phreddox miss din sya.
LOLZ!!! “Sinuman pong nagpa-planong tumakbo bilang pangulo, dapat wala pong partidong kinabibilangan, NPC, LP NP, Lakas, Kampi, LAMMPP, PDP-Laban, Magdiwang, Magdalo, Bayan Muna, Akbayan, Migrante, Anakpawis, Sanlakas…” Si Chiz talaga lagi kong inaabangan dito sa blog na to… kuhang kuha pards… IDOL!!!
good one..yes boring si chiz magsalita..pero cute sana sya..hay naku sana hwag na syang tumakbo …
…kakaloka! pa-cute pa nga ‘yan habang nagsasalita, feeling artista…echuz!
Namula na ako dahil di ako makahinga! loll!
ah love it!
ay nakakainlove naman si fafa chiz!
chiz wheez lumaki a kaya ang ulo nito?? naging No.1 senator ka lang doesnt mean that you have our vote sorry.. we can smell a TRAPO cheez now =)
nakuha mo ang style ni Chiz! galing! katawa! sobrang nakakatawa na talaga style ng pananalita ni Chiz. bakit ba ganun magsalita yun? ang sarap nga gayahin pag nagkakatuwaan kami ng mga kaibigan ko eh. kwela!
now, who did i just see on a tv5 commercial? who wants to be a millionaire? hehe looking forward to saturday…
nyahaha soo funny naiimagine ko talagang si chiz to..
HAhahaha period
Ha ha ha ha! Nakakaaliw ka talaga! Ng mapanood ko yung actual interview ni Chiz, hilong hilo ako sa mga pinagsasabi nya. I won’t even waste my time writing his name in my sample ballot. Puro hangin ang laman ng bibig. Hindi kaya kinakabagan yan, hindi halos kumukurap habang nagsasalita. Yak yak yak. Ha ha ha ha ha.
wahahaha
In fairview tinapos ko talaga sya basahin ha.
Ang tanong ko lang eh: “So what’s the point?”
Hindi ko maarok. Bow….
Pamilyar sa akin ang linyang “reliable source who requested anonymity”. Nagbabasa rin kasi ako nga tabloid broadsheet.
korek. minsan naman “according to a reliable source who requested anonymity because he/she is not authorized to blah blah chuk chak chenes”
parang sirang plaka lang ah
Si Chiz puro satsat! Mukhang pag nakaaway mo, magtatago lang sa ilalim ng kama! O di kaya magsusumbong sa Tatay niya!
ano daw?
“Maraming salamat po sa lahat ng taong nandito lalung-lalo sa mga kababayan kong Bicolano sa walang pag-aatubiling pagtungo sa gusaling nasa latitude 14° 36′ 14″ Hilaga ng Equator at longitude 121° 2′ 56″ Silangan ng Prime Meridian sa Mapa ng Maynila, na mas kilala rin sa pangalang Club Filipino.
GRABE! hahahahahaha. tlgang my latitude pa HAHAHAHA. Nice one heckler! I love it!
asan ang page 2?
Very funny as always. Kaya ka number 1!
Chiz, isa lang masasabi ko sa iyo para malinaw at maintindihan ka namin – KISS (Keep It Simple St*pid)
…HOHHH.. TAPOS NA BA? KAHAPON KO PA BINABASA PAULIT-ULIT.. HILONG-HILO NA AKO!
ganyan talaga adik……
Cheesing chesee talaga !!! hahaha!!! Heckler you are the best blogger.
wow, sobrang chizee talaba!
if ever i see him on tv i immediately flip the channel because of his inordinately long discourse and irritatingly monotonous voice.
NOT FUNNY! maliban sa mabulaklak si chiz magsalita, can u throw other criticisms to him? now im wondering, maliban kay mirriam, meron bang ibang magaling para sayo, PH? u always have things against politicians. isang mali, katawa tawa na.. after two commendations in the blog awards, lahat ng readers puro agree nalang. puro tawa. puro /galing mo idol/. kya nga siguro best entertainment blog ito nung una. puro entertainment nalang. i used to think dat dis is also an eye-opening blog. ngaun, im not really sure… (beliv it or not: im not voting chiz. im just curious.. wat if, lahat nalang katawa-tawa? eh di nawalan ng pag-asa?)
hahahaa…sineryoso…..kaya nga political satire……….it is up to you how to handle it…..kasi ako kapag may nababasa ako na mga blog, reports, or news, i see to it that will have the time to ponder on that. Otherwise, magagaya na lang ako sa yo na either reject or accept.
wake up man/woman….ganun talaga kasi public figure sila kaya we need to check/review/scrutinize what they can bring to the table…..this blog is just like the other opinion article in the newspaper…try reading conrado de quiros, adrian cristobal, etc…makikita mo puro comment din sila..seryoso nga lang ang dating…..unlike PH, satire….just like Joe Guevarra (my favorite – RIP).
natangay ba ni Ondoy, Peping at Santi ang sense of humor mo???
so exactly what’s your beef? ang pait mo po kase… di pa naman kami nawawalan ng pag-asa… chill!
Maliban sa mabulaklak, Chiz makes no sense. He uses emotions rather than logic and facts to move people. And he made a political carreer by criticizing others not on concrete accomplishment
OMG seryoso ka ba diyan? hindi naman nagpapanggap si PH na social eye-opener. HECKLER po siya. so yes, para sa kanyang blog, lahat nalang katawa-tawa. And that’s the way it’s supposed to be for a blog called “The Professional Heckler” — POLITICAL SATIRE.
Kung nagpapanic ka kasi walang social commentary si PH, there are other places that you can look, like editorials, journalist blogs. It doesn’t mean na wala kaming paki o pag-asa sa PIlipinas. NAKAKATAWA (at matalino) LANG SI PH kaya idol yung tinatawag ng mga tao sa kanya.
“eyes rolling” here
Ikinadena, itinanikala at iginapos ng mga Escudero ang Sorsogon sa kahirapan at kawalan ng progreso, pag-unlad at pagsulong sa loob ng mahigit apat na henerasyon or in English, 4 scores or even more. Kung di niya kayang ayusin ang Sorsogon, ano pa kaya ang bayan natin?
COCK CHIZ ESCUDERO means KUPAL.
Leviste means murderer!
wow ang sakit sa bangs! nyahahaha
dati gusto ko si Chiz kaya lang ngayon hindi na..mashado na kasi OA ang pagtatagalog tas isabay mo pa sa sleepy eyes nya waaaaaaaaaaaa
ano gusto nyo yun abnoy! ok lang marami naman abnoy sa pilipinas ! yun ayaw na maging pilipino! at yun mga nanlalait sa wikang pilipino! tsk tsk..nakakahiya na pala magtagalog ngayun, kasi uso naman ang abnoy na pinoy!
Ang galing ng banat mo Chiz! ang dami dito na ayaw na ng balagtasan kasi feeling nila nasa Western na sila… Nakakahiya sila!
Ang tunay na pangulo ay kailangan gumamit ng salita na angkop sa mga tao upang kanila maintindihan ang kontekto nito.
OA ang dating sa iilan kasi mayron silang kanya kanya pinapanigan. Pero kung titingnan mo ng husto sa lahat ng presidentiables si Chiz lang maituring na inspirasyon para sa pagbabago… Para sa bagong umaga!
To Vicoy:
Ikaw ba yung nakasama namin dati sa CEGP?
By the way highway, pano mo naman nasabi na sa lahat ng kandidato, si CHIZ lang ang may dangal?
Justify.
O relative lang ang lahat? hmmmm
Galing mo Chiz! Sana pamarisan ka ng iba! Sawa na kami sa TRAPO at CORRUPT…
Go Chiz! Ikaw lang ang maghahatid ng bagong umaga sa bansa! Mabuhay ka!
Wow! Mabuhay ang susunod at hirangin ng bagong Presidente ng bansa
Social comments and analytics for this post…
This post was mentioned on Twitter by Pulitika: CHIZEE! http://bit.ly/1oJWU3...
TAPAT, MALINIS NA PUSO AT MAY PAG MAMAHAL SA BAYAN .. HINDI MANLOLOKO KAYA NAG SHARE NG DAMDAMIN SA KANYANG KAPWA PILIPINO.. TAMA LANG ANG GINAWA MO SIR CHIZ.. SANA MAGING HUWARAN KA NG MGA SUSUNOD NA HENERASYON NA HAHAWAK SA ATING BANSA.. SA MGA HINDI NAKA INTIDI NG KANYANG HANGARIN DAHIL NAMULAT SA MGA PULITIKONG SUMIKAT LAMANG SA LANSANGAN DAHIL IYAN ANG KANILANG KINAGISNAN SA KANILANG PAGLAKI .. ITABI NA LANG NINYO ANG INYONG MGA KINAMULATAN DAHIL YAN ANG TULUYANG MAGPAPABAKSAK NG ATING BAYANG SINILANGAN.. HINTAYING NYO NA LANG ANG BAGONG PAG ASA NATING MGA PILIPINO DARATING NA SIYA SA BAGONG UMAGA NG 2010….TANDAAAN NYO ANG PANGALAN ..CHIZ ESCUDERO.. ANG PAG ASA NATING MULING BUMANGON SA PUTIK NA DALA NG MGA GUSTONG MAGPABAKSAK NG ATING MAHAL NA BAYAN,,,
Di nya nga mapaunlad Sorsogon, Pilipinas pa kaya………….adik.
User ka ba ? o adik sa lahat ng pangit na ugali …. kawawa ka naman .. Hayaan mo idadamay ka na namin sa pag babago ng ating bansa at iyan ay darating sa bagong umaga ng 2010.. Ayan ha hindi kami swapang kasi mana kami sa magandang ugali ni Sir Chiz … Wait ka lang gaganda na ang ugali mo.. hindi kana magsasalita ng Adik…
Haha. All caps, no sense. Typical. May pinagmanahan ka nga kay Chiz.
Pinakikilala lang ni Chiz kung ano ang pagkatao niya sa kanyang pananalita. Marami siyang sinabing walang ka kwenta kwenta, lumalarawan sa pagkatao niyang walang kwenta. Walang mapupulot na kabutihan ang mga Pilipino sa kanya. Paligoy ligoy na walang laman kundi inggit at kasinungalingan.
Saan nakalibing ang Political Career ni Chiz?
Mag-alay tayo ng Bulaklak……
WAIT KA LANG IMBESTIGADOR IKAW ANG UNANG ILILIBING AT HINDI LANG BULAKLAK ANG IAALAY SAYO MAY KASAMA PANG PALAKPAK AT SISIGAW ANG BUONG BAYAN NG ‘”CONGRATULATIONS’”
chill man
haters.. kaya hnd umuunlad ang pilipinas dahil sa inyo..
hnd natin ginagalang ang isa’t isa. at gusto ng lahat sila ang nasa taas..
mas madami ang sakim kaysa mapagpakumbaba..
Gusto ko c chiz kaso I can see na di pa niya kayang mamuno ng isang bansa. Like Noynoy Aquino.
Tama, pag asenso ay nagsisimula sa bawat sarili. Kasi masyado kau umaasa sa mga leaders eh, eh kau may nagawa na ba kau para umunlad ang Pilipinas? Siguro nga para sa isang leader, mahirap talaga magpaunlad ng isang bayan agad agad. Pera, malaking pera ang kelangan para mapaunlad ang isang bayan. Investments. Mahirap pa rin po ang Pilipinas.
Think,..
Chiz uses too much rhetoric. Makes you wonder if there’s something beyond that. Probably trying to copy the way Obama wields his rhetoric (beautifully I might say).
[...] Chiz Escudero as one of the most grandstanding-prone politicians on television. While he may have a way with words, he does come across as someone who could easily smooth talk his way into spewing out ideas that [...]
kapagod basahin – binasa ko ng malakas – pwedeng ng training para sa marathon – in fairness sa interview sa probe profile – kumukurap naman sya – at kumain pa ng palabok. …matutuwa sa iyo ang mga bading. sure ka sa gay votes.
natumbok mo! paikot-ikot talaga magsalita si Chiz tas pagkahaba-haba pero may sense nga ba?