NOON, NGAYON

23 10 2007


NOON: Ang presidential pardon hinihiling sa pangulo
NGAYON: Ang presidential pardon iniaalok ng pangulo

NOON: Ang nahatulang kriminal diretso sa Bilibid
NGAYON: Ang nahatulang kriminal diretso sa rest house

NOON: Ang Christmas gift, masayang ibinibigay sa mga bata
NGAYON:
Ang Christmas gift, palihim na ibinibigay sa matatanda (governors and congressmen ang tawag sa kanila)


NOON: Sa lalawigan, ang bulkan sumasabog
NGAYON: Sa siyudad, ang mall sumasabog

NOON: Kapag may sumabog na bomba, dagsa ang aktibista sa kalsada
NGAYON: Kapag may sumabog na bomba, deadma! Dagsa ang tao sa Mall of Asia! May 3-day sale!

NOON: Ang opisyal ng Comelec, sinusuhulan
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nanunuhol

NOON: Ang opisyal ng Comelec nagbibilang ng boto
NGAYON: Ang opisyal ng Comelec, nagbibilang ng balato

NOON: Ang presidente… kinatatakutan, iginagalang at minamahal
NGAYON: Ang presidente… kinatatakutan

NOON: Ang First Lady… either “sobrang kinasusuklaman” or “sobrang minamahal”
NGAYON: Ang First Gentleman… !*#%(*&@j?Y%$#*8$#9o{x%$#$@B!!

NOON: Kapag namatay ang pangulo, pinapalitan ng pangalawang pangulo
NGAYON: Kapag namatay ang pangulo… snap elections na lang!

NOON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, naliliwanagan
NGAYON: Ang Katolikong nakikinig sa homily ng Obispo, nagagalit, gustong sumama sa rally

NOON: Naging uso – sari-saring produkto may lycopene
NGAYON: Usong-uso – sari-saring produkto, may formalin

NOON: Ang pulis, sumbungan ng mga biktima ng krimen
NGAYON: Ang pulis, isinusumbong ng mga biktima ng krimen

NOON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino
NGAYON: Ang All-Filipino Conference sa PBA, lahat Filipino – ang referee

NOON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa baha”
NGAYON: (Kapag may bagyo) Motorista: “Lord, iligtas mo po ako sa billboard”

NOON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… promo lang ‘yan sa pelikula
NGAYON: Kapag ang dalawang matinee idol na-chismis na bakla, asahan mo… totoo! (Hello Lolit Solis!)

About these ads

Actions

Information

4 responses

23 10 2007
ayesha

ang galing nun sa billboard. haha.

24 10 2007
Ang pagkakaiba noon at ngayon « Buddy Blogs

[...] Source: Professional Heckler [...]

20 09 2009
eddie rega

This is good stuff. Keep up the good work

1 02 2013
Anonymous

ahmmm are you sure that is the good stuff

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 115,502 other followers

%d bloggers like this: